Ginanap ngayong araw sa pangunguna ng DILG Bulacan ang reoryentasyon at konsultasyon kaugnay ng Capacitating Urban Communities for Peace and Development (CUCPD). Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa sektor ng mga kabataan at mag-aaral, mga manggagawa, mga kababaihan at urban poor ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Lungsod ng Malolos, Pandi at Plaridel.
Layunin ng programang CUCPD na maging kaisa ang iba’t-ibang sektor ng lipunan sa pagtukoy ng mga suliraning hinaharap ng mga mamamayan upang matugunan ng mga programa ng pamahalaan. Patuloy na pinapalakas ng DILG ang pakikipag ugnayan sa mga iba’t-ibang sektor ng lipunan para maging kaisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran ng bayan.