Isinagawa ngayong ika-19 ng Agosto, 2024 ang Panlalawigang Oryentasyon ukol sa Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) sa mga Punong Barangay at iba pang mga Opisyal ng barangay sa apat (4) na lungsod at dalawampung (20) bayan ng lalawigan. Ang aktibidad na ito ay bilang paghahanda para sa kanilang pagsailalim sa naturang pagtatasa.
Ang BECA ay inisyatibo ng DILG Rehiyon III upang mas mapaigting pa ang pagpapatupad ng mga lokal na pamahalaan partikular na sa 2,325 na barangay na nakapaloob sa watershed area ng Manila Bay ukol sa mga aktibidad at programa kaugnay ng pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng epektibong pamamahala ng solid waste sa mga komunidad.