Nakiisa ang DILG Bulacan sa pagdiriwang ng ika-446 na Guning Taong Pagkakatatag ng Lalawigan ng Bulacan, ngayong ika-15 ng Agosto, 2024. Sa naturang aktibidad ay inilunsad ang “Bulacan at 450” na may temang: “Bulacan: Duyan ng Kasaysayan, Yaman ng Kinabukasan” sa Lungsod ng Malolos. Kasabay nito, isinagawa rin ang paghawi ng tabing ng Panandang Kasaysayan ng “Asociación Filantrópica de los Damas de la Cruz Roja en Filipinas”.
Dumalo bilang Panauhing Tagapagsalita si Igg. Camille Villar, Deputy Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa kaniyang talumpati ay kaniyang binigyang diin na bukod sa mayamang kasaysayan at kultura ng lalawigan, aniya “ang tunay na kayaman ng Bulacan ay ang bawat isang Bulakenyo na patuloy na nagsisikap at nagpapahayag ng suporta sa mga namumuno upang makamit ang ningning at kaunlaran ng lalawigan sa kasalukuyan”.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Lalawigan Daniel Fernando, Ikalawang Punong Lalawigan Alex Castro, kasama ang mga Punong Lungsod/Bayan, mga Kongresista at mga opisyal ng iba’t-ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan.