Ngayong araw, ika-27 ng Hulyo, 2024, ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Situational Briefing kaugnay sa pinsalang dulot ng Bagyong Carina at Hanging Habagat sa mga lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga na ginanap sa Bulwagan ng Sangguniang Panlalawigan, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Sentro ng talakayan ang mga hakbangin ng pamahalaan upang matugunan ang kagyat na pangangailangan ng mga naapektuhan sa Gitnang Luzon. Ilan sa mga ito ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa larangan ng agrikultura at sa ating mga kababayang labis na naapektuhan ng pagbaha. Direktiba rin ng pangulo ang agarang aksyon upang mabawasan ang epekto ng oil spill sa Bataan sa katubigan ng Bulacan at Pampanga.
Buong pwersa ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, Gob. Dennis Pineda ng Pampanga, at Gob. Joet Garcia ng Bataan, at mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Nasyunal para sa mabilis na pagbangon ng mga mamamayang naapektuhan ng bagyo.