Ang ikatlong serye ng DILG Konek ngayong ika-22 ng Marso taong kasalukuyan, ay tumutok sa selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan. Mahalagang puntong kaganapan sa naturang programa ay ang isinagawang palihan na pinangunahan ni LGOO VI Maria Christine De Leon, accredited GAD Resource Pool Member ng Philippine Commission on Women (PCW), kung saan ang mga kawani ay nagkaroon ng pagkakataon na isalarawan ang kwento ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pagguhit at pagsasalaysay dito bilang kanilang #HerStory.
Kasabay nito ay nagkaroon ng pagkakataon ang Panlalawigang Tanggapan at ang mga Pampook na Tagapagpakilos na talakayin ang kasalukuyang estado ng mga ulat na kinakailangang maitalima at ang mga paparating na mga pagtatasa para sa mga susunod na buwan.
Nakiisa sa gawaing ito sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ay ang mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan, Pinuno ng Kumpol, at mga Pampook na Tagapagpakilos ng DILG Bulacan.