TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa patuloy na hangarin ng pamahalaan na mas mapabuti ang kalagayan ng transportasyon at maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bawat pamayanan, binisita nang ika-23 ng Oktubre ng pangkat ng Locally-Funded Projects (LFP) mula sa DILG Bulacan ang dalawang barangay sa Bayan ng Hagonoy, upang masusing inspeksyunin ang proyektong pagsasaayos ng kalsada sa Brgy. Sto. Nino sa ilalim ng FY 2022 Local Government Support Fund - Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) at pagsasaayos ng eskwelahan sa Brgy. Santo Rosario sa ilalim naman ng FY 2023 LGSF-Support to Barangay Development Program (SBDP).

Kabilang rin sa mga nakibahagi sa aktibidad na ito ay sina Pampook na Tagapagpakilos Maria Clarissa Dimatulac kasama sina Pambayang Inhinyero Eugene Miguel at mga kawani mula sa Tanggapan ng Pambayang Inhinyero. Bukod sa isinagawang pag inspeksyon ay natalakay rin ang mga findings at rekomendasyon ukol sa naturang proyekto sa mga kawani ng Tanggapan ng Pambayang Inhinyero. Ang aktibidad na ito ay isinagawa upang patuloy na isakatuparan ang layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng mga mamamayang naninirahan rito.


Ang SBDP at FALGU ay mga programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga lokal na pamahalaan na maaaring gamitin sa pamamagitan ng pagsasaayos, pagpapatayo at pagsasagawa ng rehabilitasyon sa mga iba’t-ibang uri ng imprastrakturang mayroon malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ekonomiya at sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat mamamayan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video