TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran, matagumpay na idinaos ngayong araw ang Panlalawigang Pagpupulong ng DILG Bulacan sa Lungsod ng Meycauayan. Tampok sa pagpupulong na ito ay ang diskusyon ni Abgdo. Chairmain Jacqueline Paulino, Regional Legal Officer ng Panrehiyong Tanggapan ng Kagawaran ukol sa mga legal na batayan at mga ipinagbabawal na gawain para sa paparating na halalan kabilang na rin ang mga legal na opinyon na may kaugnayan sa Kagawaran.

Kasabay rin ng nasabing buwanang pagpupulong ay ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) nina Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kasama ang Multi Stakeholder Advisory Committee (MSAC) ng Sub-Local Government Regional Resource Center (Sub-LGRRC) ng Lungsod ng Meycauayan sa pangunguna ni Punong Lungsod Henry Villarica.
Sa pamamagitan ng naturang pagpupulong na ito ay nabigyang diin ang mga hakbangin bilang paghahanda ng nasa labing limang (15) pamahalaang lokal para sa paparating na SGLG National Validation. Bilang karagdagan ay naipresenta rin ang mga accomplishments at mga paparating na ulat at aktibidad ng Panlalawigang Tanggapan para sa mga susunod na araw. Nagsilbri rin itong pagkakataon upang mabigyang pansin ang mga inilahad na katanungan at suhesyon na ng mga Pampook na Tagapagpakilos.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video