TINGNAN | Sinimulan ngayong ika-13 ng Hunyo, 2023 ng Panlalawigan Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan ang pagsasagawa ng Seal of Good Local Governance (SGLG) On-Site Assessment sa mga kinabibilangang Bayan at Siyudad ng Lalawigan. Ang SGLG ay ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaan, at ito ay may tinatayang sampung (10) outcome areas kabilang ang;
(1) Financial Administration and Sustainability;
(2) Disaster Preparedness;
(3) Social Protection and Sensitivity;
(4) Health Compliance and Responsiveness;
(5) Sustainable Education;
(6) Business Friendliness and Competitiveness;
(7) Environmental Management;
(8 ) Safety, Peace, and Order;
(9) Tourism, Heritage Development, Culture and Arts at;
(10) Youth Development
Naglalayon ang SGLG na paigtingin at sukatin ang husay at katapatan ng ating mga lokal na pamahalaan sa pagganap ng kanilang tungkulin, paghahatid ng serbisyo, tulong at suporta sa kanilang mga nasasakupan tungo sa maunlad at progresibong pamayanan.