LUNGSOD NG MALOLOS - Ngayong araw, ika-6 ng Pebrero, 2023, sa inisyatibo ng Provincial Peace and Order Council, ay nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang Panlalawigang re-oryentasyon ukol sa Peace and Order Public Safety Plan Policy Compliance System (POPSP-PCMS).
Ang gawain ay dinaluhan ng mga tinalagang encoder ng bawat Pambayan at Panlungsod na Pamahalaan sa Lalawigan gayundin ang mga Pook Tagapagpakilos ng Kagawaran sa Bulacan.
Parte ng diskusyon na ibinahagi ni LGOO V Gerald Cabarles, Jr., kinatawan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran, na muling mabigyang-kaalaman ang mga dumalo, higit lalo ang mga natukoy na encoder ng mga Pamahalaang Lokal, ukol sa mga teknikalidad sa pagtatala ng mga datos sa POPSP-PCMS at sa pasikot-sikot ng nasabing pook-sapot.
Layunin din ng nasabing gawain na ihanda ang mga Lokal na Pamahalaan sa Lalawigan ukol sa napipintong pagsasagawa ng pagtatasa na nilalayong mabatid ang kahandaan at antas ng pagiging epektibo ng mga binuong Panlungsod at Pambayang Peace and Order Council at Anti-Drug Abuse Council sa Bulacan.