Agosto 18, 2022 - Kasalukuyang isinasagawa ang pagpupulong ng mga miyembro ng Provincial Inter-Agency Monitoring Team (PIMT) para sa Functionality Assessment ng mga Local Committees on Anti Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC) ng mga Bayan at Lungsod ng Bulacan para sa taong 2022. Ang nasabing team ay pinapangunahan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahlaang Lokal ng Bulacan at binubuo ng mga miyembro mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Health Office (PHO), Philippine National Police (PNP), Office of the Provincial Prosecutor (OPP) at CSO respresentative mula sa Association of Indigent and Less Fortunate Dwellers of Metro Manila and San Jose del Monte, Bulacan, Inc.
Ang LCAT-VAWC Functionality Assessment ay taunang isinasagawa upang maanalisa ang lebel ng pag ganap ng mga nasabing komite sa kanilang tungkulin sa paglaban at pagsugpo sa mga kaso ng trafficking at violence sa mga kababaihan at mga bata. Ito rin ay nagsisilbing gabay sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensya ng pamahalaan upang matukoy at maibigay ang mga nararapat na tulong at suporta na kinakailangan ng mga nasabing komite upang mas mapalakas pa ang mga ito.