Agosto 10, 2022 - Isinagawa ang Civil Society Organization (CSO) Conference sa Pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Ito ay bahagi ng mga aktibidad sa ilalim ng Akreditasyon ng mga CSO sang-ayon sa isinasaad ng DILG Memorandum Circular Blg. 2022-083.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga CSO sa Lalawigan kung saan tinalakay ang kahalagahan ng kanilang partisipasyon sa lokal na pamamahala, panuntunan at proseso sa kanilang akredistasyon sa Sangguniang Panlalawigan, Avenues of CSO Participation at pagpapalawak ng kanilang network.
Nagbigay din ng mensahe ang Panlalawigang Patnugot ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan na si Gng. Myrvi Apostol-Fabia, CESO V. Sa kanyang mensahe ay hinikayat niya ang mga dumalo na makiisa at maging aktibong bahagi ng pamamahala upang matulungan ang ating pamahalaan sa pagpapatupad ng mga mas angkop na mga programa, proyekto at aktibidad na tutugon sa pangangailangan ng mga tao sa lipunan.