TSLogo

 

 

facebook page

 

Nagsagawa ng Provincial Roll-Out on the Preparation of Local Government Unit Devolution Transition Plans (LGU DTP) ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan noong ika-25 hanggang ika-26 ng Agosto, 2021 sa pamamagitan ng Zoom Platform.

Ito ay Kaugnay sa Mandanas-Garcia Supreme Court Ruling at sa nilagdaang Executive Order na may bilang 138 series of 2021 na ni Pangulong Duterte noong ika-1 ng Hunyo 2021 na may titulong Full Devolution of Certain Functions of the Executive Branch to Local Governments, Creation of a Committee on Devolution, and for Other Purposes.

Ang nasabing aktibidad ay nahati sa tatlong sesyon. Sa unang bahagi ay ang Overview on the Roles of LGUs under Executive Order No. 138, s. 2021.Dito ay tinalakay ng mga tagapagsalita na mula sa DILG Bulacan at Lokal na Pamahalaan ng Bulacan ang Mandanas-Garcia Petitions at ang naging desisyon ng Korte Suprema gayundin ang Executive Order No. 130 kaugnay dito. Dagdag pa rito, tinalakay din ang koneksyon ng pagkaka angkop ng mga plano mula sa nasyunal pababa sa lokal na lebel; ang mensaheng nilalaman ng full devolution; at ang Guidelines sa Pag gawa ng LGU DTPs. Ito ay nasundan ng Open Forum kung saan sinagot ng mga tagapagsalita ang mga katanungan ng mga kalahok sa tuwang ng LGU DTP Regional Focal Person na si LGOO V Paolo Israel Franco.

 

240674099 1046380466125551 9193443918599305592 n

 

Sa ikalawa at ikatlong sesyon naman ay ang Components of the LGU Devolution Transition Plan; and Simulation and Critiquing on LGU Devolution Transition Plans. Dito ay ipinaliwanag ng mga tagapagsalita kung paano sagutan ang mga LGU DTP Annexes at pagkatapos nito ay nagkaroon ng pagsasanay kung saan sinagutan ng mga kalahok ang mga nasabing Annexes. Kasunod nito, nagkaroon ng presentasyon ang mga Lokal na Pamahalaan sa kanilang mga nagawang output na siyang binigyan ng komento ng mga tagapag sanay para sa muli pang pagpapa unlad at pagsasaayos nito.

Layunin ng aktibidad na matulungan at magabayan ang mga lokal na pamahalaan sa pag gawa ng kani-kanilang Devolution Transition Plan bilang paghahanda sa paparating na taon kung saan unti-unti nang aakuin ng mga mga lokal na pamahalaan ang mga gampanin, serbisyo, at pasilidad na isinasaad sa Kodigo ng Lokal na Pamahalaan at iba pang mga batas kasabay ng paglaki ng kanilang pondo na dulot ng naging desisyon ng Korte Suprema sa Mandanas-Garcia Petitions

Ito ay nilahukan ng mga kawani at opisyal mula sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Bulacan. Kabilang dito ay ang mga Punong Lungsod, Punong Bayan, Lokal na Sanggunian-Komite sa Pinansyal, Presidente ng Liga ng mga Barangay, Civil Society Organizations at iba pang mga opisyal ng barangay. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok sa naunang araw ay limang daan at dalawampu’t walo (528) at dalawang daan apatnapu’t walo (248) sa ikalawanaraw ng pagdaraos nito.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video