Noong ika-3 hanggang ika-5 ng Mayo, 2023 ay nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang gawain na dinaluhan ng mga kalihim ng mga barangay sa lalawigan.
Noong ika-19 ng Abril 2023, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, pormal ng binuksan ang DILG Bulacan Sportsfest 2023 na may temang SINGKAD: Sports INteGration: Key to Achieve group Dynamics. Ang nasabing gawain ay naglalayong patatagin ang pagkakasundo at pagkakaisa ng lahat ng empleyado ng DILG Bulacan, itaguyod ang halaga ng pagtutulungan, lalo’t higit ay hikayatin na magkaroon ng kamalayan sa kalusugan upang lumikha ng isang maayos at mahusay na balanse sa pagitan ng personal na buhay at ng trabaho.
In line with the implementation of the 2023 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) in the Province of Bulacan, the Provincial Awards Committee (PAC), spearheaded by the DILG, conducted an on-site assessment in the following barangays on April 13-14, 2023:
The PAC was composed of representatives from the following agencies/offices: DILG Bulacan, Regional Trial Court Branch 81, Department of Justice- Office of the Provincial Prosecutor, Bulacan Provincial Police Office, Liga ng mga Barangay- Province of Bulacan, Provincial Government of Bulacan, and Yeshua Change Agents.
The LTIA is an annual nationwide search which recognises oustanding Lupons in the implementation of the Katarungang Pambarangay law.
Ngayong araw, ika-20 ng Abril, 2023, idinaos ang ikaapat na Buwanang Pagpupulong ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Barangay Poblacion, Bayan ng San Ildefonso, Lalawigan ng Bulacan. Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng nasabing tanggapan na may iisang hangarin na mapalakas at mapaganda ang serbisyo publiko sa lalawigan.
Ika-17 ng Abril, 2023 - Bilang bahagi ng pagpapalakas ng Information, Education and Communication (IEC) Campaign sa ilalim ng ALAGWA Bulacan, ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ay lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU), kasama ang Pamahalaang Panlungsod ng Malolos sa pamamagitan ni Mayor Christian Natividad na naglalayong patatagin ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang opisina.