TSLogo

 

 

facebook page

 

Agosto 30, 2023 - Pinangunahan ng Kalihim ng Kagawaran ng interyor at Pamahalaang Lokal Abgdo. Benjamin Abalos ang pagdiriwang ika-173 guning taon ng kapanganakan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar na may temang: "Marcelo, Liwanag ng Nakaraan, Tanglaw sa Kasalukuyan".

Agosto 20, 2023- Nakiisa ang DILG Bulacan sa isinagawang unity walk ng Damayang Filipino Movement na may temang: Walk for Peace to Fight Drug Abuse. Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na implementasyon sa Lalawigan ng Bulacan ng Buhay Ingatan Droga'y Ayawan (BIDA) ng Kagawaran na naisakatuparan sa nagkakaisang pagtutulungan ng pribadong sektor, Pamahalaang Panlalawigan at mga piling Organisasyon ng Lipunang Sibil (CSOs).

TINGNAN | Bumisita ang mga kawani ng Panrehiyong Tanggapan sa DILG Bulacan ngayong ika-22 ng Agosto, 2023, upang magbigay ng gabay at kaalaman patungkol sa mga transaksyon at iba’t-ibang aspekto ng mga pinansyal at administratibong gawain. Kabilang rin sa mga natalakay sa aktibidad na ito ay ang mga pagbabago sa ibang alituntunin at polisiya ng Kagawaran para sa mas epektibo at mabilis na pagtugon sa mga pangagailangan ng mga pamahalaang lokal. Kabilang sa mga kawani na nagbahagi ng administratibong paggabay ay sina Acct. III Jean Hazel B. Mercado, HRMO III Crystal Joy C. Pineda, HRMO II Mary Lady Queen T. Tayag, at ADAS III Rosalie M. Dumana.

Sa patuloy na pagtupad ng Departamento sa layunin na makapagbigay ng mahusay at tapat na serbisyo para sa bawat Bulakenyo, ika-18 ng Agosto, 2023 ay personal na nagtungo ang mga kinatawan ng Panlalawigang Tanggapan upang bisitahin at inspeksyunin ang natapos na rehabilitasyon ng proyektong kontra baha sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video