TSLogo

 

 

facebook page

 

Bilang pakikiisa ng DILG Bulacan para sa pagdiriwang ng Local Government Month ngayong buwan ng Oktubre, nagsagawa ng tree planting activity ang mga kawani ng tanggapan nang ika-24 ng Oktubre sa Barangay Bayabas, Bayan ng Doña Remedios Trinidad.

Nasa isang daang (100) puno ang naitanim at kabilang sa mga nakilahok sa aktibidad na ito ay ang mga kawani mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Municipal Environmental and Natural Resources Office.

Nagtipon nang ika-20 ng Oktubre, 2023, ang DILG Bulacan, Provincial Youth, Sports and Public Employment Services Office (PYSPESO) at mga panlalawigang opisyal ng Local Youth Development Office sa PCEDO Conference Room, Lungsod ng Malolos, upang talakayin ang mga paghahanda para sa nalalapit na Sangguniang Kabataan Mandatory Training (SKMT).

Ngayong araw, pinangunahan ng pangkat ng Locally-Funded Projects (LFP), mula sa DILG Bulacan, ang pagsubaybay at pagsagawa ng dokumentasyon sa proyektong nakasailalim sa FY 2021 Financial Assistance to Local Government Unit (FALGU) sa Barangay Sta. Rosa II at Brgy. Prenza I, Marilao.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video