Ngayong araw, pinangunahan ng DILG Bulacan ang pagsasagawa ng panlalawigang pagtatasa para sa 2023 Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLG).
53 barangays sa buong lalawigan ang sumailalim sa pagsusuri ng Provincial Assessment Team (PAT) na binubuo ng mga kinatawan mula sa tanggapan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), Liga ng mga Barangay- Bulacan Chapter, Sangguniang Kabataan Provincial Federation, at mga miyembro ng mga kasaping Civil Society Organizations (CSOs).
Ang SGLGB ay isang comprehensibong pagtatasa na taunang isinisagawa sa lahat ng barangay sa buong bansa. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na Governance Areas: Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Safety, Peace and Order; Social Protection and Sensitivity; Business-friendliness and Competitiveness; at Environmental Management.