TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Kasabay ng pinagsamang pulong ng PPOC- PADAC AT PTF-ELCAC ay kinilala ang husay at galing ng mga Lupong Tagapamayapa sa lalawigan. Kinilala ang Brgy. Catanghalan, Bayan ng Obando sa pangunguna ni Punong Barangay Ruben Serrano bilang Top Performer sa ilalim ng 1st-3rd Class Municipality Category at Brgy. Tungkong Mangga, Lungsod ng San Jose Del Monte sa pangunguna ni Punong Barangay Alexander Medina bilang Top Performer sa ilalim ng Component City Category. Pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando at DILG Regional Director Anthony Nuyda ang pag-abot ng plaka, at ng insentibong nagkakahalaga ng Php 50,000.

Ika-09 ng Agosto, 2024 ay isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang pinagsamang pagpupulong para sa ikatlong sangkapat sa pangunguna nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Pangalawang Punong Lalawigan Alexis Castro at DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kasama ang mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), na ginanap sa Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.

 

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Construction of Drainage System at Panasahan, City of Malolos, Bulacan". Ang proyektong ito ay insentibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 4,000,000 milyong piso.

 

Ngayong araw ay isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Construction of NIA Road” sa Brgy. Tabang, Plaridel. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na may kabuuang halaga na Php. 1,800,000.00 milyong piso.

 

Binigyan ng pagkilala sa isinagawang DILG Konek: Provincial Team Conference, ang mga Pambayan at Panlungsod na Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal na nagpamalas ng kanilang husay sa pagtalima ng mga ulat at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa para sa ikalawang sangkapat ng taon:

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video