TSLogo

 

 

facebook page

 


Ika-17 ng Setyembre, 2024, opisyal na pinasinayaan ang proyektong "Construction of NIA Road (Isip-Isip)" sa barangay Tabang, Plaridel, Bulacan. Ang proyektong ito ay mula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund na may kabuuang halaga na 1,800,000 milyong piso.


Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng alternatibong daan upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa pangunahing kalsada at mapadali ang pagbyahe ng mga tao at produkto na magpapalakas sa lokal na ekonomiya na magpapabuti sa kabuhayan ng mga residente ng Plaridel.


Ang nasabing pasinaya ay pinangunahan nina Mayor Jocell Aimee Vistan-Casaje, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Cluster Head Judith B. Romero, MLGOO Archie Coronel, Sangguniang Bayan, mga Punong Barangay, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at mga residente ng barangay Tabang.

 


Featured Video