TSLogo

 

 

facebook page

 
Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, at sa pakikipagtulungan sa DILG at Liga ng mga Barangay (LnB) ay nagsagawa ng isang pagsasanay ngayong araw, ika-16 ng Hulyo, 2024 ukol sa proseso ng dokumentasyon ng Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) at ang pagpapalakas ng kapasidad ng mga lupon sa paghawak ng mga kaso na nakapaloob sa Katarungang Pambarangay (KP). Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Panlalawigang Tanggapan, kung saan ibinahagi ni LGOO IV Renzo Miranda, Regional Focal Person ng LTIA, ang patungkol sa proseso at isinasagawang pagtatasa ng LTIA, at ni Judge Dennis Rolando Molina ang ukol sa mga probisyon ng Seksyon 407 at 408 ng Local Government Code of 1991 at Administratibong Sirkular Blg. 14, s. 1993. Kabilang sa mga lupon na dumalo sa pagsasanay na ito ay ang mga piling barangay mula sa mga lungsod at bayan ng lalawigan. Ang Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) ay naipatupad sa pamamagitan ng seksyon 406(b) ng LGC, kung saan nakatatangap ng insenstibo ang mga Lupong Tagapamayapa na nagpamalas ng mahusay na pagganap sa pagkamit ng mga layunin ng Katarungang Pambarangay.

 


Featured Video