TSLogo

 

 

facebook page

 
Ika-13 ng Hulyo, 2024, opisyal na pinasinayaan ang 22 Solar street lights na magbibigay liwanag sa mga kalsada ng Barangay San Jose Patag hanggang sa Riverbanks sa Bayan ng Santa Maria. Ang proyektong ito ay insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 1,800,000 piso. Pinangunahan ni Cong. Salvador Pleyto ng ika-anim na distrito at Mayor Bartolome Ramos ng Santa Maria, kasama ang iba pang mga pinuno ng lokal na pamahalaan, ang seremonya. Kasama rin ang mga pinuno ng DILG, Asec. Elizabeth De Leon, Regional Director Atty. Anthony Nuyda, Assistant Regional Director Jay Timbreza, at Provincial Director Myrvi Fabia, sa pagpapasinaya ng nasabing proyekto. Ang Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) ay insentibo na ibinibigay sa mga local government units (LGUs) na nakapasa sa mga pamantayan ng SGLG. Ang mga pondo mula sa SGLGIF ay maaaring gamitin ng mga LGU para sa iba’t ibang proyekto at programa na magpapabuti sa serbisyo publiko at magpapaunlad sa kanilang mga komunidad.

 


Featured Video