Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pagsusuri sa bayan ng Obando para sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng FY 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na nagkakahalaga ng Pho 6,606,882.17 kada proyekto:
- Construction of Health Station in Barangay Binuangan; at
- Level III Potable Water Supply System in Barangay Salambao
Inaasahan na sa mga proyektong ito ay mapapabuti ang kalidad ng buhay ng mga residente sa nabanggit na mga barangay. Ang pagtatayo ng Health Station at ang Level III Potable Water Supply System ay magbibigay ng mas madaling akses sa serbisyong pangkalusugan at malinis na tubig para sa mga mamamayan ng Obando.