Matagumpay na isinagawa ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, ang ikalawang hanay ng Component 3: Sharpening the Saw of BNEO-GREAT Barangays Programs ngayong ika-8 ng Nobyembre, 2024. Ito ay dinaluhan ng mga Sanggunian Barangay Committee Chairperson Environment kasama ang mga City/Municipal Environment and Natural Resources Officers (C/MENRO) ng lalawigan.
Sa nasabing aktibidad ay nagpahayag ng suporta sina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro, at LnB President Bokal Fortunato Angeles, kung saan ay hinikayat ni Gob. Fernando ang mga barangay na mas paigtingin ang implementasyon ng mga programang may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran upang masolusyunan ang mga suliranin katulad ng baha, polusyon at problema sa solid waste management.
Patuloy ang DILG Bulacan sa pagsasagawa ng mga interbensyon upang patuloy na mapalakas ang kakayahan ng mga barangay at agarang matugunan ang suliranin na hinaharap ng mga barangay.