DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

 

Kanlungan sa Panahon ng Kalamidad

Para sa isang komunidad na tabing-dagat at madalas humaharap sa mga hamon ng kalikasan, pag-asa ang katumbas ng pagkakaroon ng mga pasilidad na handang tumugon sa pangangailangan ng mga residente.

Ganito ang nangyari sa 1,427 na mamamayan sa Barangay Landing, sa bayan ng Pilar, Bataan. Sa ilalim ng FY 2023 Local Government Support Fund - Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) Program, ang pamayanan ay nabiyayaan ng tulong na makapagtayo ng isang multi-purpose building na nagkakahalagang limang milyong piso.

Ang nasabing proyekto ay hindi lamang basta gusali; ito ay isang simbolo ng pag-asa at proteksyon para sa mga naninirahan malapit sa dagat. Ang dalawang palapag na gusali ay magsisilbing bagong barangay hall at evacuation center na maaaring magamit sa iba't ibang okasyon at pangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Sa isang panayam, taos-pusong pinasalamatan ni Punong-Bayan Carlos Pizarro Jr. ang pamahalaan at DILG sa pagkakaloob ng proyekto sa bayan ng Pilar. "Malaking tulong po ito sa barangay Landing, lalo na't ito'y nasa tabing-dagat, at magagamit ng mga residente para sa iba't ibang pangangailangan,” saad ng punong-bayan.

Ang mga residente, pati na ang mga lokal na opisyal, ay puno ng pasasalamat sa proyektong ito. Sa pahayag ni Punong barangay Romeo R. Santos IV, kanyang ibinahagi kung paano nila napakinabangan ang bagong gusali: "Nagagamit po namin ito bilang barangay hall at evacuation area para sa mga kabarangay na nasalanta ng kalamidad, lalo na po sa mga biktima ng pagbaha, mga matatanda, may karamdaman, at mga buntis."

Ang pagtatayo ng multi-purpose building sa Barangay Landing ay isang patunay na ang pagtutulungan ng lokal at pambansang pamahalaan ay may konkretong resulta na nagbibigay ng seguridad at pag-unlad sa komunidad. Ito ay isang hakbang patungo sa mas matatag at handang komunidad, na kung saan ang bawat isa ay may lugar na matatakbuhan sa panahon ng pangangailangan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3