DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

Sa ikalawang episode ng ‘Umalohokan’, tinalakay ng DILG Bataan ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa Barangay Peace and Order Council (BPOC) Audit at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Audit ngayong araw, Mayo 4, 2022 sa pamamagitan ng Zoom.


Layon ng nasabing aktibidad na ihanda ang 237 na barangay ng Bataan sa nalalapit na BPOC at BADAC Functionality Audit na layuning suriin at subaybayan ang mga barangay sa pagpapatupad ng kanilang mandato sa pagpapanatili ng kaayusan at paglaban sa ilegal na droga sa kani-kanilang mga komunidad.

Nagsilbing tagapagsalita sina Program Manager/MES Chief Allan Don Malonzo at LGOO V Laverne Gonzales, Jr., kung saan kanilang tinalakay ang mga dokumentong isusumite, mga gabay at deadlines, maging ang mga antas at pagpuntos ng mga nabanggit na programa.


Dinaluhan din ang oryentasyon ng 12 C/MLGOOs ng Bataan, mga punong barangay, sangguniang barangay, mga kalihim at mga miyembro ng BPOC at BADAC ng lalawigan.
Ang ‘Umalohokan’ na inisyatibo ng DILG Bataan ay layong palakasin at linangin pa ang kaalaman ng mga lokal na opisyal ng lalawigan sa mga iba’t-ibang programa ng Kagawaran at ng ating pamahalaan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3