cucpdaurorasanluis 1

Kahapon, ika-8 ng Agosto, ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni OIC PD Ener P. Cambronerp CESE ay nagsagawa ng oryentasyon para sa Pamahalaang Bayan ng San Luis, Aurora tungkol sa Capacilitating Urban Communities for Peace and and Development (CUCPD) sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng San Luis, Aurora.

Ang CUCPD ay isa sa mga programang prayoridad sa ilalim ng EO 70 na ipinatutupad ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan at isinasagawa sa mga piling bayan upang tugunan ang mga ugat ng insurhensiya at armadong labanan sa bansa.

Nilalayon ng programang ito na makamit ang pangmatagalang kapayapaan at napapanatiling pag-unlad ng mga komunidad. Ito rin ay isang programa na naglalayong tukuyin ang tunay at pinakakagyat na pangangailangan ng mga mga sektor na nasa laylayan ng ating lipunan kung saan binibigyang prayoridad ang mga kabataan, manggagawa, mga maralita at mga kababaihan.

Ngayong taon ay napabilang ang Bayan ng San Luis, Aurora sa mga lugar kung saan kinalailangang ipatupad ang nasabing programa.

Buong suporta na ihinatid ng nanunuparang tagapamunong Panlalawigan ng Aurora na si Ener P. Cambronero, CESE ukol sa programang. Hiningi din nya ang buong pagsuporta ng lokal na pamahalaan ng San Luis sa inilalaatag na platoporma ng programa upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran. Aniya, handa ang Kagawaran na tumulong upang mapadali ang pagsasagawa nito.

cucpdaurorasanluis 2

Sa pamamagitan ng MTF ELCAC ng Bayan ng San Luis sa pamumuno ni Kgg. Ariel A. De Jesus, na kinabibilangan nina G. Fidel Herminigildo MPDC, Gng. Nimfha Jacinto (MSWDO), Gng. Lourdes Esmundo (MAO), Gng. Melody E. Valdez (MLGOO), SKMFP Jimwell P. Santiago, Konsehal Limuel Donato, mga Sangguninang Kabataan at mga kinatawan mula sa PNP at AFP ay nakapagsagawa ng makabuluhang dayalogo at konsultasyon ang LGU sa mga mga namumuno at kinatawan ng mga sektor na binubuo ng mga magsasaka, kabataan, kababaihan at mga katutubo na naninirahan sa bayan.

Pinangunahan ni LGOO II Gerald Philip Esteves ang pagtalakay sa mga alituntuning nakasaad sa DILG Memorandum Circular No. 2021-063 o ang Enhanced Guidelines on the CUCPD Program. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan din nina DILG Aurora Cluster Team Leader Ariel G. Espinosa, ADA VI Innah Rubio at Bb. Mariane Q. Faraon.

 PD CORNER EPC 2023