PCL NUEVA ECIJA, NAGDAOS NG ELEKSYON PARA SA TERMINONG 2025 - 2028
- Details
- Written by DILG Nueva Ecija
- Category: Uncategorised
- Hits: 5429

Sa pagpapamalas ng pagkakaisa at pagpapalawig sa mahusay na pamamahala sa lokal na antas, matagumpay na isinagawa ng Philippine Councilors League (PCL) Nueva Ecija Provincial Federation Chapter, katuwang ang DILG Nueva Ecija, ang eleksyon ng mga opisyal nito noong Agosto 6, 2025, sa Nueva Ecija Convention Center, Lungsod ng Palayan.

