TSLogo

 

NuevaEcija

LGSF Utilization Status

 

lla-aug-2025

Bilang paghahanda sa 2025 Local Legislative Award, isang pormal na pagkilala sa huwarang pagganap ng lokal na sanggunian sa pagpapanukala ng batas sa kani-kanilang lokal na pamahalaan, isinagawa ang Panlalawigang Oryentasyon sa pangunguna ng Panlalawigang Patnugot ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Nueva Ecija , at Chairperson ng Provincial Award Committee, Abgd. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, noong Agosto 7, 2025 sa pamamagitan ng Zoom Meetings platform.

Ito ay naglalayong magkaroon ng pantay na pang-unawa at pakahulugan ukol sa mga alintuntunin at pamantayan sa pagtatasa sa mga lokal na sanggunian. Kabilang sa mga kalahok ay ang mga Kalihim ng Panlungsod at Pambayang Sanggunian kasama ng kani-kanilang Opisyal na Tagapagpakilos ng Lokal na Pamahalaan. Dinaluhan din ito ng mga miyembro ng Provincial Award Committee (PAC).

Sa kanyang mensahe, binigyang diin LGOO VII Danilo C. Rillera, Cluster I Team Leader at CLGOO ng Lungsod ng Gapan ang mahalagang tungkulin ng mga lokal sa sanggunian sa patuloy na pagsulong at pag-unlad ng pamahalaang lokal.

Ang aktibidad ay nakatuon sa mga probisyon ng nasabing sirkular na tinalakay ni LGOO II Annalyn D. Tamondong. Samantala, ang mga pamantayan naman sa pagtatasa sa mga dokumentong isusumite upang matugunan ang mga hinahanap sa bawat pamantayan ay tinalakay nina LGOO II Millicent Kaye I. Velasquez at LGOO II Angelique M. Gaspar.

Sa pagtatapos ng oryentasyon, pinsalamatan ni LGOO V Kristian Rob R. Santiago, Hepe ng Seksyon ng Pagsubaybay at Pagsusuri ang bawat kalahok at siniguro ang patuloy na paggabay ng Panlalawigang Tanggapan ng DILG sa pagsasagawa ng 2025 LLA.

#Uhay

Provincial Director's Message

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

ZZ05

 

Links