TSLogo

 

NuevaEcija

LGSF Utilization Status

 

06-27-2025

TIGNAN | Sa paglalayong masiguro na ang proyekto ay naaayon sa naaprubahang plano at ispesipikasyon, nagsagawa ang Locally-Funded Projects (LFP) Team ng DILG Nueva Ecija ng pagkilatis sa ginagawang proyektong “Construction of Teen Center” sa Barangay Palomaria, Bongabon, Nueva Ecija, Hunyo 27, 2025.

Naisakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng pinagsamang Php 1,153,000.00 na insentibong nakamit ng munisipalidad mula sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance ng taong 2024 at Php 500,000.00 na pondo ng lokal na pamahalaan.

Ang proyekto, na may kabuuang lawak na 46-metro kwadrado, ay inaasahang maging isang eksklusibong pasilidad na tutugon sa mga pangangailangan ng mga kabataan na may kinalaman sa mental at pisikal na kalusugan.

#TresTheBest
#Uhay
#SGLGIF

Log-in Form

Follow Us On