TSLogo

 

NuevaEcija

LGSF Utilization Status

 

drr-rescue-vehicle

TIGNAN | Magkasunod na dinaluhan ng Panlalawigang Patnugot ng DILG Nueva Ecija, Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, ang pagpapasinaya at turnover ceremony ng dalawang bagong Disaster Risk Reduction (DRR) Rescue Vehicle sa Bayan ng Talavera at Santo Domingo, Nueva Ecija noong ika-10 ng Setyembre 2025. Naisakatuparan ang mga ito dahil sa insentibong nakamit ng dalawang bayan mula sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ng taong 2024.

Ang dalawang DRR Rescue vehicle mula sa SGLG Incentive Fund (SGLGIF) ay kumakatawan sa adhikain ng Santo Domingo at Talavera na mas lalo pang paghusayin ang kanilang kakayahan at kahandaan sa pagresponde sa kalamidad. Ito rin ay inaasahan na makatulong sa agarang transportasyon ng mga pasyente at mapalawak ang serbisyong medikal sa mga nabanggit na bayan.

Ang nakamit na mga proyektong ito mula sa SGLGIF ay hindi lamang sumisimbulo sa magandang pamamahala ng Lokal na Yunit ng Pamahalaan ng Santo Domingo at Talavera, kundi pati na rin sa patuloy na pagsulong sa pag-unlad at kaligtasan ng dalawang bayan.

#Uhay
#TrustTheBest

Provincial Director's Message

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

ZZ05

 

Links