
Idineklara bilang “Rabies Awareness Month” ang buwan ng Marso sa bisa ng Executive Order No. 84 na nilagdaan noong 1999, bilang pagtalima sa Republic Act No. 9482 o ang Anti-Rabies Act of 2007.
Layunin nito na protektahan ang publiko sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna sa mga aso at pusa at awareness campaign.
Bilang pagsuporta sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ay naglabas ng Memorandum Circular na naghihikayat sa lahat ng Local Chief Executives (LCEs) na suportahan ang isang buwang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng makabuluhan at angkop na mga aktibidad, tulad ng mga sumusunod:
• Pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna laban sa rabies sa buong buwan ng Marso, upang mabakunahan ang 100% ng populasyon ng aso sa kani-kanilang mga lugar;
• Pagtutuon ng higit na pansin sa mass spaying at neutering programs para sa mga aso at pusa;
• Paglalagay ng streamers sa harap ng bulwagan ng pamahalaang lokal sa antas ng probinsya, lungsod at bayan na nakalagay ang temang: “Rabies-free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino"
• Ipalaganap ang impormasyon ukol sa rabies sa pamamagitan ng mga network sa komunidad; at
• Isama ang rabies awareness advocacy sa mga kasalukuyang aktibidad ng LGU.
Halina't makipag-ugnayan sa ating mga lokal na pamahalaan upang maging bahagi ng isang rabies-free at ligtas na Pilipinas!
#Uhay
#TresTheBest