TSLogo

 

NuevaEcija

LGSF Utilization Status

 

wewe-11-06-25

06 Nobyembre 2025 | Bilang bahagi ng inisyatibo ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Tanggapan ng Nueva Ecija na itaguyod ang kalusugang pangpisikal at pangkaisipan ng bawat kawani, sa pangunguna ni Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, Panlalawigang Patnugot, matagumpay na isinagawa ang “Pistang Pinoy: Wellness Wednesday Fiesta Edition.”

Nahati ang mga kawani sa dalawang pangkat na lumahok sa paligsahan sa pagluluto kung saan tampok ang mga pagkaing karaniwang makikita sa isang tipikal na pistang Pinoy. Kabilang din sa mga masasayang aktibidad ang mga larong Pinoy tulad ng kalamansi relay, pukpok palayok, pabitin, at hipan ang arina. Nagsilbi bilang mga hurado sina Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V; ADA I Edward C. Cabrera; at ADA I Normando P. Tinio. ???? Nagwagi ang Pangkat 3 sa larangan ng larong Pinoy, habang itinanghal namang kampeon sa paligsahan sa pagluluto ang Pangkat 1. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Pangkat 2 bilang tagapagtaguyod. Ang ganitong mga aktibidad ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng DILG Nueva Ecija na palakasin ang samahan ng mga kawani at isulong ang kahalagahan ng kalusugang pisikal, emosyonal, at pangkaisipan para sa isang mas masigla at produktibong tanggapan. #DILGNuevaEcija #Uhay???? #TrestheBest

Provincial Director's Message

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

ZZ05

 

Links