
Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, katuwang ang DILG Nueva Ecija, ang Civil Society Organization (CSO) Conference noong Agosto 20, 2025, sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, Palayan City, Nueva Ecija.
Sa pambungad at inspirasyonal na mensahe ni Abg. Jose Maria Ceasar C. San Pedro, Tagapangasiwa ng Pamahalaang Panlalawigan, kanyang binigyang diin ang mahalagang gampanin ng mga CSOs bilang miyembro ng Local Special Bodies sa pagbalangkas ng mga plano at polisiya ng panlalawigang pamahalaan.
Nagbigay din ng mensahe si Abg. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, Panlalawigang Patnugot ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Nueva Ecija. Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Patnugot Tactac ang kahalagahan ng partisipasyon ng CSOs sa iba't-ibang antas ng pamahalaan. Hinikayat niya ang lahat ng CSOs sa patuloy na partisipasyon at pagiging aktibo sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema ng iba't ibang sektor.
Tinalakay naman ni Ms. Donna Gwen F. Tabil, CSO Desk Officer, ang Conference Overview, Objective at Timeline ng CSO Accreditation. Sinundan ito ng pagtalakay ni Engr. Dennis C. Agtay, Provincial Planning and Development Coordinator, sa Provincial Development Agenda and the Role of CSO.
Samantala, ang Participatory Governance at panuntunan at proseso ng akreditasyon sa Sangguniang Panlalawigan ay inilahad ni LGOO II Youse Nikanor P. Cruz. Kasunod nito, nagkaroon ng Open Forum upang mabigyang linaw ang mga katanungan at klaripikasyon hinggil sa akreditasyon ng mga CSO. Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng mensahe na ibinahagi ni PPDC Dennis C Agtay. Sa kanyang mensahe, taus-puso siyang nagpasalamat sa lahat ng dumalo sa aktibidad.
#Uhay
#TresTheBest