TSLogo

 

NuevaEcija

LGSF Utilization Status

 

pcl-2025

Sa pagpapamalas ng pagkakaisa at pagpapalawig sa mahusay na pamamahala sa lokal na antas, matagumpay na isinagawa ng Philippine Councilors League (PCL) Nueva Ecija Provincial Federation Chapter, katuwang ang DILG Nueva Ecija, ang eleksyon ng mga opisyal nito noong Agosto 6, 2025, sa Nueva Ecija Convention Center, Lungsod ng Palayan.

Ang panauhing pandangal sa aktibidad ay si Atty. Raul R. Corro, PCL National Chairperson, na nagbigay ng inspirasyonal na mensahe at update patungkol sa mga gawain at plano ng PCL sa nasyonal na antas. Dumalo rin si Kgg. Kristine Anne Legaspi, PCL Regional Council Chairperson at myembro ng Sangguniang Bayan ng Camiling, Tarlac.

Nagbigay naman ng kani-kaniyang mensahe ng pakikiisa sina Kgg. Belinda E. Palilio, Board Member (Unang Distrito) at dating pangulo ng PCL Nueva Ecija, at Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, Panlalawigang Patnugot ng DILG Nueva Ecija. Ipinaliwanag naman ni LGOO VII Danilo C. Rillera, Cluster I Team Leader, ang mga panuntunan ng eleksyon.

Ang tumayong PCL COMELEC ay sina Atty. Tactac ng DILG, G. Gerry V. Villaroman, Board Secretary V ng Panlalawigang Pamahalaan, at Kgg. Ma. Cerissa C. Angeles, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sta. Rosa.

Narito ang mga Bagong Halal na Opisyal ng PCL Nueva Ecija Provincial Federation Chapter (2025–2028)

  • President: Hon. Lance Jarwin A. Santos (General Mamerto Natividad)

  • Vice-President: Hon. Kent C. Natividad (Guimba)

  • Secretary-General: Hon. Julius “Mader” M. Sta. Maria (Palayan City)

  • Treasurer: Hon. Janneth S. Prado-Tomas – (General Mamerto Natividad)

  • Auditor: Hon. Melodie G. Dela Cruz (Bongabon)

  • PRO: Hon. Olivia G. Belmonte-Santos (Zaragoza)

  • Business Manager: Hon. Edgar S. De Leon, Jr. (Sto. Domingo)


Board of Directors

  • Hon. Arney B. Balmaceda (San Leonardo)

  • Hon. Carina Clarizze M. Dela Cruz (San Jose City)

  • Hon. Angelo J. Bote (General Tinio)

  • Hon. Cleofe C. Felix (Llanera)

  • Hon. Rodney S. Cabrera (Science City of Muñoz)

  • Hon. Alyzza Marie I. Ramos (Peñaranda)

  • Hon. Christian Jan G. Cecilio (Cabanatuan City)

  • Hon. Arvin Carl C. Salonga (San Antonio)
    • Sa kanyang unang mensahe bilang halal na Pangulo, ipinahayag ni Kgg. Lance Jarwin A. Santos ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa tiwala ng mga kapwa myembro ng PCL Nueva Ecjja. Binigyang-diin din niya ang patuloy na pagkakaisa ng bawat isa para sa mahusay na paglilingkod sa kanilang liga.

Provincial Director's Message

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

ZZ05

 

Links