
Bilang patuloy na suporta sa pagpapatupad ng KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) sa Bagong Pilipinas Program at bilang isa sa mga mandamus agencies at lalawigan na inatasang magsagawa ng paglilinis, rehabilitasyon, at pangangalaga sa Manila Bay at sa mga tributaryo nito , pinangunahan ng DILG Nueva Ecija, sa pamumuno ni Panlalawigang Patnugot Atty. Ofelio A. Tactac Jr., CESO V, ang isang clean-up drive sa Barangay Poblacion East at Poblacion South, Bayan ng Lupao.
Dumalo sa aktibidad si Sangguniang Bayan Member Kgg. Rodelio C. Baraceros bilang kinatawan ni Punong-Bayan Kgg. Glenda P. Romano, Opisyal ng DILG Lupao LGOO VI Crismelito R. Catacutan, mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Gng. Mary Jane S. Lictawa, PNP Lupao, BFP Lupao, Lupao OFW Family Circle, at mga opisyal, kawani at residente ng Brgy. Poblacion East at Poblacion South sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Robel U. Mamaligsa at Punong Barangay Kgg. Manuel P. Vendivil. Nakilahok din sa clean-up drive ang mga barangay ng Poblacion West, Poblacion North, Namulandayan, at Tienzo.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Kgg. Baraceros ang pasasalamat sa matibay na suporta at aktibong pakikilahok ng mga dumalo sa aktibidad. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa kalikasan.
Layon ng clean-up drive sa ilalim ng KALINISAN at Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program na hikayatin ang bawat Pilipino na makilahok sa tamang pamamahala ng basura tungo sa isang malusog, ligtas, at malinis na kapaligiran para sa lahat.
#Uhay
#TresTheBest
< Prev
Next >