
Oktubre 8, 2025 – Apat na barangay mula sa lalawigan ng Nueva Ecija ang kinilala ng DILG Gitnang Luzon dahil sa kanilang natatanging kahusayan sa pagpapatupad ng mga programa para sa kalinisan ng kapaligiran at kapayapaan.
Ang seremonya na may temang "PAGMAYA 2025: Pagpupugay sa mga Natatanging Pamahalaang Lokal na Kaagapay sa Kalinisan at Kapayapaan" ay ginanap sa Royce Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga.
Mga Natatanging Parangal:
Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) 2025 Regional Top Performer (2nd Class Municipalities Category):
Brgy. Pesa, Bongabon
Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) 2025 Regional 1st Runner-Up (5th Class Municipalities Category):
Brgy. Cabawangan, Nampicuan
Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) 2025 Regional 2nd Runner-Up (4th Class Municipalities Category):
Brgy. San Cristobal, Licab
Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) 2025 Regional 2nd Placer (City Category):
Brgy. Pagas, Cabanatuan City
Isang mainit na pagbati sa pamunuan ng Barangay Pesa, Barangay Cabawangan, Barangay San Cristobal, at Barangay Pagas mula sa DILG Nueva Ecija, bilang pagkilala sa kanilang patuloy na pagsisikap at kahusayan sa pagpapatupad ng mga makabuluhang inisyatiba na nakatuon sa maayos, malinis, at mapayapang pamayanan.
#Uhay#TresTheBest















