
Mas maliwanag na ang gabi ng mga residente ng Barangay East Poblacion, Pantabangan, Nueva Ecija, matapos na ganap na pasinayaan noong ika-12 ng Setyembre 2025 ang proyektong “Construction and Installation of Street Lights” sa ilalim ng FY 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF).
Ang inaugurasyon ay pinangunahan nina Punong Bayan Monaliza H. Agdipa at Pangalawang Punong Bayan Roberto T. Agdipa. Ito rin ay dinaluhan ng Panrehiyong Patnugot, Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Gitnang Luzon, Dir. Araceli A. San Jose, CESO III, at ng Panlalawigang Patnugot ng DILG Nueva Ecija, Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V.
Binubuo ang proyekto ng labin-dalawang (12) bagong street lights na nagbibigay ng mas maliwanag at ligtas na kalsada hindi lamang sa mga naninirahan sa East Poblacion, kundi pati na rin sa mga dumaraang motorista sa lugar.
#TresTheBest
#Uhay
#SGLGIF2024















