
Agosto 28, 2025 - Sa pangunguna ni Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, Provincial Director, isinagawa ang Provincial Team Conference (PTC) ng DILG Nueva Ecija para sa buwan ng Agosto 2025 sa pamamagitan ng hybrid na pamamaraan.
Nilalayon ng aktibidad na ito na magbigay ng komprehensibong ulat at mga bagong kaganapan mula sa seksyon ng Capability Development Section, Monitoring and Evaluation Section, Finance and Administrative Section at pagkilala para sa mga kawani na napabilang sa Provincial Awardee on Compliance and Excellence (PACE) para sa buwan ng Hulyo 2025 at unang semestre ng CY 2025.
Nagdaos din DILG Nueva Ecija ng isang espesyal na paghandog kay LGOO III Marie Chia R. Tabajonda bilang pagkilala sa kanyang paglilingkod at dedikasyon sa kagawaran bago ang kanyang pag-alis sa serbisyo. Nagbigay ang mga kasamahan ng taos-pusong pasasalamat at pinakamainit na pagbati para sa kanyang darating na yugto sa buhay.
Sa pagtatapos ng pagpupulong, nagbigay si PD Tactac ng isang mensahe, hinihimok niya ang lahat ng kawani na patuloy na paigtingin ang kanilang serbisyo sa mga katuwang na LGU at panatilihin ang pagkakaisa at pagtutulungan.
#Uhay
#TresTheBest