
Muling nagdaos ng oryentasyon sa Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Lalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Abgd. Ofelio A. Tactac Jr., CESO V, Panlalawigang Patnugot, sa pamamagitan ng Zoom Meetings platform.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong mas bigyan ng linaw ang mga indicator ng BECA at ang mga dokumentong nakapaloob dito. Ito ay dinaluhan ng mga C/MLGOOs, C/MENROs, mga Punong Barangay, mga Sangguniang Barangay Member (Committee Chair on Environment), at mga kalihim ng barangay.
Ang panimulang bahagi ng oryentasyon ay ang pagbibigay ng pambungad na mensahe ni LGOO VII Louie C. Manarpiis, Cluster II Team Leader/CLGOO ng Cabanatuan City, kung saan kanyang binigyang diin ang mahahalagang papel ng mga barangay sa pangangalaga ng kapaligiran. Kasunod nito ay ang pagbabahagi ni LGOO V Kristian Rob D. Santiago, Hepe ng Monitoring and Evaluation Section, ng maikling pangkahalatang ideya para sa dumalo sa nasabing oryentasyon.
Tinalakay at ipinaliwanag sa oryentasyon kasama ang BECA Team ang mga sumusunod: sa Assessment Guidelines and Timeline ay si LGOO II Maria Desserie P. Bundoc; si LGOO III Maria Garbriela Isabel Bernardez at LGOO II Lyka Dimalanta naman sa City/Municipality Assessment Committee (C/MAC) Scoring Guidelines at panghuli si LGOO II Millicent Kaye Velasquez sa pagpapaliwanag sa Provincial Assessment Committee (PAC) Scoring Guidelines.
Ang oryentasyon ay pormal na nagtapos sa mensahe ni LGOO VI Donnabel E. Estipular, Program Manager, DILG Nueva Ecija. Sa kanyang mensahe, binigyaang diin ni LGOO VI Estipular na ang tagumpay ng mga barangay environmental program ay nakasalalay sa aktibong partisipasyon ng mga barangay at nabanggit din ang kahalagahan ng solid waste management sa mga komunidad na syang sinusuri sa pamamagitan ng BECA.
#Uhay#TresTheBest















