
Sa pamumuno ng Panlalawigang Patnugot, Abg. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalang Lokal ng Nueva Ecija ay nakiisa sa taunang pagdiriwang ng 2025 Summit Against Illegal Drugs ng Lungsod ng Palayan, ngayong ika-29 ng Agosto, 2025, na ginanap sa Kalayaan Hall, Palayan City Hall.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong paigtingin ang laban ng lungsod kontra sa illegal na droga sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mahahalaga at napapanahong impormasyon na may kinalaman sa illegal na droga. Kabilang sa mga kalahok ang bumubuo ng Local Anti-Drug Abuse Councils mula sa lebel ng barangay hanggang lungsod at iba pang mga halal na opisyal, pinuno ng iba’t ibang departamento sa nasabing lungsod, mga partner agencies at akademya.
Tampok din sa programang ito ang Ceremonial MOA Signing kung saan magiging institutionalized ang kooperasyon at pagtutulungan ng mga ahensya sa pagpapanatiling ligtas at drug-free ang lungsod na kinabibilangan ng Kagawaran ng Edukasyon, Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Palayan City Ministers Organization at Family Court Branch 7 ng lungsod ng Palayan.