Print 

Kasalukuyang nagsasagawa ng dalawang araw na pagsasanay tungkol sa “Data Integration and Analytics Training” ang Tanggapan ng Pamamahala sa Sistemang Pang Impormasyon at Teknolohiya (ISTMS, Central Office) para sa program focal persons mula sa pangrehiyon, panlalawigan at panglungsod na tanggapan ng Departamento sa Gitnang Luzon mula ika-12-13 ng Agosto, 2025

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga naturang kalahok sa pagproseso ng datos, matutunan ang paggamit ng makabagong paraan ng pagsusuri ng datos at upang patuloy na maipatupad ang isang “data-driven culture” sa araw-araw na operasyon ng opisina iba’t ibang programang ipinapatupad sa ating Departamento sa pamamagitan ng paggamit ng mga modernong “digital tools”.

Sa mensaheng inspirasyonal ni Rehiyong Patnugot Araceli San Jose, sinabi niya na ang pagsasanay na ito ay makakatulong sa hangarin ng rehiyon na magkaroon lagi ng tama, kompleto at kapaki-pakinabang na impormasyon para sa mas matalinong pagpaplano at pagpapasya, mas maayos na paggawa ng polisiya tungo sa mas epektibong serbisyo publiko para sa mga kliyente ng opisina. Idiniin din niya na kapag may tamang impormasyon, may “knowledge” and “knowledge is power!” Sa huling bahagi ng kaniyang mensahe, idiniin niya na ang patuloy na pag-unlad bilang matino, mahusay at maaasahang empleyado ng Kagawaran ay nakasalalay sa kagustuhan ng bawat isa na patuloy na matuto at maging bukas sa pagbabago at pag-unlad ng teknolohiya

Ang mga nagsilbing tagapagsalita sa dalawang araw na aktibidad ay ang Data Analytics and Management Division (DAMD) na pangkat mula sa ISTMS, Central Office na pinangunahan ni Computer Programmer III Kimberly Ann Mandapat, Information System Analyst II. Elmer Morrison at Information System Researcher II Elsie Ruth Ortega katuwang ang pangkat ng Rehiyong Sangay ng Pangimpormasyon at Pangkomunikasyong Teknolohiya (RICTU) sa Gitnang Luzon. Kabilang sa mga ibinahagi sa pagsasanay ay ang mga paksa tungkol sa Introduction to Data Analytics, Data Quality (DQ), DQ Indicators/Dimensions, Data Cleaning, Data Ethics Principles, Data Integration, at Data Visualization. Nagkaroon din ng mga “hands-on exercises” ang mga kalahok gamit ang mga modernong data analytics tools.