Ika-4 ng Hunyo taong 2024, ang probinsya ng Zambales ay humarap sa panrehiyong pagtatasa para sa 2024 Seal of Good Local Governance Award na ginanap sa Balin Sambali, Iba, Zambales. Ang SGLG Regional Assessment Team ay pinangunahan ni ARD. Jay E. Timbreza, Assistant Regional Director, DILG Region 3 kasama sina LGOO VI Aldwin Reyes, DILG-LG-MED Assistant Division Chief, LGOO V Fatima Lalu, DILG-LG-MED SGLG Regional Focal Person, at ni Mr. Noel Sibal, CSO representative. 

 

Sa kaniyang pambungad na mensahe, ipinahayag ni ARD. Timbreza ang kanilang pangako na matulungan pa lalo ang lalawigan para mapataas ang antas ng pangganap nito sa SGLG at kalaunan mapabilang ang probinsya sa listahan ng mga gagawaran ng parangal. Ibinahagi rin ni ARD. Timbreza ang isinusulong na intervention ng kagawaran para matulungan pa lalo ang mga probinsya na mapaganda ang performance nito sa SGLG. Pagkatapos ng masusing pagsusuri ng mga dokumento sa iba’t ibang sangay ng Good Governance, ibinahagi ni LGOO VI Reyes at LGOO V Lalu ang initial results ng isinagawang pagtatasa. Ayon kay LGOO VI Reyes, malaki ang naging improvement ng performance ng lalawigan kumpara sa mga nakalipas na SGLG assessment. Sa huli, ang bawat departamento ng pamahalaang panlalawigang ng Zambales ay patuloy ang pangako sa pagpapataas ng antas ng kahusayan at katapatan sa serbisyo na handang ihandog nito sa mga Zambaleno.