Nitong ika-5 ng Hunyo, sa pangunguna ng DILG Tarlac ay isinagawa ang Provincial Table Validation and Confirmation/Submission of Provincial Audit Summary kasama ang Provincial Inter-Agency Monitoring Task Force (PIMTF) para sa taong 2024 gamit ang Seal of Child-friendly Local Governance Knowledge Management System (SCFLG-KMS).
Sa naturang na pagsusuri ay ipinaliwanag ni LGOO VI Maricar Janice C. Perez, CFLGA Provincial Focal Person, ang mga saligang impormasyon patungkol sa CFLGA at ang mga hakbang sa bawat antas ng PIMTF. Inilahad din nito ang mga iskor at kabuuang rating ng labing walong (18) Local Government Units (LGUs) na naitala mula sa naturang sistema.
Nilahukan ang naturang aktibidad ng Provincial IMTF na binubuo ng mga sumusunod na miyembro, sa pangunguna ni Governor Susan A. Yap, DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V, Princess G. Dantes na kinatawan ni PSWDO Ms. Ma. Elena L. Jalos, Evangeline B. Castillo na kinatawan ni PPDO Dr. Krishna V. Buenaventura, En.P, Teodora V. Reyes na kinatawan ni PHO Dr. Jeanette A. Lazatin, Lovella G. Paragas na kinatawan ni DepEd Tarlac Schools Division Superintendent Dr. Ronnie S. Mallari, CESO V, at Ms. Amelia Tuquero, Executive Director ng Rehoboth Children’s Home, Inc. na kinatawan ng CSO.