Pinangunahan ng Kalihim ng Kagawaran ng interyor at Pamahalaang Lokal Abgdo. Benjamin Abalos ang pagdiriwang ika-173 guning taon ng kapanganakan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar na may temang: "Marcelo, Liwanag ng Nakaraan, Tanglaw sa Kasalukuyan" noong Agosto 30, 2023.

 Sa mensahe ni Kalihim Abalos, ibinahagi niya na sa kabila ng patuloy na pagbabago ng ating panahon; isa sa mga bagay na nananatiling totoo ay ang katangian ng pagiging matapang at may paninindigan ng mga Pilipino kung kaya at kagaya ng naging buhay ng bayaning si Del Pilar ay palagi nating piliin na gawin ang tama.

Kabilang sa mga panauhing dumalo sa nasabing gawain ay si Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Pangalawang Punong Lalawigan Alex Castro, Punong Bayan Vergel Meneses at mga kawani at opisyal ng Pamahalaang Bayan at Pamahalaang Panlalawigan.