Base sa isinagawang balidasyon noong ika-15 ng Mayo 2023, dalawampu't dalawang bayan at syudad sa probinsya ang nakitaan ng mataas na antas ng pagganap (High Functionality) sa Anti-drug Abuse Council.
Mula labinlimang LGUs noong nakaraang taon, mas maraming LGUs ang nakapagpatupad ng mga programa laban sa ilegal na droga sa taong kasalukuyan.
Ang nasabing pagtatasa ay isinagawa ng ADAC Provincial Team (APT) na pinangunahan ng DILG Bulacan. Kabilang rin sa nasabing team ang mga kinatawan mula PNP, PDEA, 2 CSOs at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan. Ang isinagawang balidasyon ay isang taunang gawain na naglalayong sukatin ang antas ng pagganap ng mga Anti-Drug Abuse Council ng mga Pamahalaang Lokal upang matiyak ang epektibong implementasyon ng mga programang may kinalaman sa pagsugpo ng ilegal na droga sa lalawigan.