Noong ika-3 hanggang ika-5 ng Mayo, 2023 ay nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang gawain na dinaluhan ng mga kalihim ng mga barangay sa lalawigan.
Ang tatlong araw na gawain na may titulong UPLIFT o Upscale Learning and Inclusivity in the Multi-faceted Aspects of Transparent Governance ay bahagi ng Linang, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan na layong paigtingin ang kakayahan ng mga kalihim ng barangay.
Ang katatapos lamang na gawin ay sumentro sa paghahanda sa mga barangay para sa mga isasagawang pagtatasa ng Kagawaran, kung saan ay isa sa mga tinalakay ang kanilang katatayuan sa mga nagdaang pagsusuri upang mabatid ang kanilang mga naging kakulangan.
Sa huli, nagbigay ng teknikal na gabay ang DILG Bulacan upang mas maiangat pa ang antas ng kanilang pagganap hindi lamang upang maipasa ang parating na pagtatasa kundi upang magampanan ng maayos ang mga tungkulin sa barangay.