BALANGA CITY, Bataan — Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ang kanilang Executive-Legislative Agenda (ELA) Formulation and Capacity Development Agenda Harmonization noong Agosto 23, 2022 upang ilahad at lapatan ng kaukulang polisiya ang lahat ng mga pangunahing programa at proyekto ng Punong Lalawigan para sa taong 2023-2025.
Pinangunahan ni Gob. Jose Enrique Garcia III at Bise Gob. Ma. Cristina Garcia ang nasabing aktibidad na siyang dinaluhan din ng mga kawani at hepe ng tanggapan sa lalawigan, maging ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Nagbigay din ng gabay sa aktibidad ang DILG Bataan sa pangunguna ni Dir. Belina T. Herman, CESO V, Panlalawigang Patnugot at Cluster Head Melissa Nipal. Nagbigay ng suportang teknikal ang hepe ng CDS na si LGOO V Johnny Mandocdoc.
Ang ELA ng Bataan ay inaasahang matatapos at maisumite bago o sa ika-30 ng Setyembre 2022 ayon sa memorandum ng DILG.