Matagumpay na naidaos ng DILG Bataan ang talakayan tungkol sa Local Budget Circular (LBC) No. 142 at iba't-ibang programang pambarangay sa bago nitong programa na "Umalohokan" sa pamamagitan ng Zoom ngayong araw, Marso 10, 2022.
Ang oryentasyon ay dinaluhan ng mga punong barangay, mga kalihim at mga miyembro ng sangguniang barangay ng lalawigan.
Pangunahing tinalakay ay ang LBC 142 o ang Local Government Support Fund (LGSF) na isang programa ng pamahalaang nasyonal na direktang nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga LGU at barangay upang suportahan ang iba't ibang programa at proyekto sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo para sa mga mamamayan.
Ang mga alituntunin, mga dokumentong isusumite at mga prosesong susundin ng mga barangay ay tinalakay nina Engr. Michael Angelo Masiclat at Engr. Mark Angelo Pumares ng DILG Bataan.
Napag-usapan din ang anti-drug campaign ng Bataan sa pamamagitan ni IO Glenn Guillermo ng PDEA R3. Sa huling parte ng talakayan, ipinakita din ni LGOO III Danilyn Peña ang "Calendar of Barangay Deliverables" para sa taong 2022 upang maging gabay ng mga barangay sa iba't ibang programa ng DILG.
Dinaluhan din ang oryentasyon nina PD Myra Moral-Soriano, Cluster Head Melissa Nipal, 12 C/MLGOOs at mga kawani ng tanggapang panlalawigan.
Ang 'DILG Bataan Umalohokan' ay layong palakasin at linangin pa ang kaalaman ng ating mga lokal na opisyal sa mga iba't-ibang programa ng Kagawaran at ng ating pamahalaan.