Pinangunahan ng pamunuan ng DILG Aurora sa pangunguna ni Atty. Ofelio A. Tactac, Jr. ang pagsubaybay sa ikatlong araw ng malawakang bakunahan sa 8 bayan ng Aurora noong ika-1 ng Disyembre, 2021.
Maituturing na matagumpay ang naging implementasyon ng Bayanihan Bakunahan ng walong lokal na pamahalaan ng Aurora sa pagkakaisa ng iba't ibang ahensya at bayanihan ng bawat mamamayan sa lalawigan.
Pinangunahan ito ng mga Punong Bayan, katuwang ang mga Municipal Health Officer (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Department of the Interior and Local Government (DILG) - Aurora, Aurora Police Provincial Office (APPO), Bureau of Fire and Protection (BFP), mga Barangay Officials, Sangguniang Kabataan, DILG Hired Contact Tracers at mga volunteers.
Itinalaga ng Malacañan ang Nobyembre 29, 30 at Disyembre 1 bilang mga araw ng Pambansang Pagbabakuna (National Vaccination Days).
Sa tatlong araw na ito, hinikayat ang mga Pilipinong eligible nasa edad 18 pataas at kabataang nasa edad 12 - 17 y/o na magpabakuna bilang proteksyon mula sa COVID-19 at mga variants nito.
Nilalayon ng NVD na mabigyang bakuna ang labinglimang milyong (15 Million) Pilipino na hindi pa nababakunahan.
#BayanihanBakunahan
#Resbakuna
#ResbakunaAurora