Muling nagdaos ng birtuwal na komperensya ang mga kawani ng DILG Nueva Ecija, sa pamumuno ni Dir. Renato G. Bernardino, Panlalawigang Patnugot, nitong ika-14 ng Setyembre, 2021 sa pamamagitan ng Zoom Meetings Application.
Layunin nito ang talakayin ang mga korespondesya at mga estado ng ulat upang masigurado ang kaayusan sa pagsunod sa mga mandato ng Kagawaran.
Pinangunahan ni LGOO VI Alfa Krista C. Reyes, Program Manager, ang pagtalakay sa mga inisyung korespondensya tulad ng mga talatakdaang susundin sa pagpapatupad ng 2021 SGLGB Pilot Testing, 2021 CFLGA, at ng SGLG Field Testing na nakatakdang gaganapin sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre. Iniulat din niya ang isasagawang Barangay Environmental Compliance Audit o BECA kaugnay sa pagpapatupad ng Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program. Pinaalalahanan din ang lahat hinggil sa iba pang nalalapit na aktibidad at paanyaya ng ibang ahensya.
Inulat naman nina LGOO V Anna Marie P. Batad, CDS Chief, LGOO V Kimberly B. Ruiz, MES Chief ang mga estado ng reports sa ilalim ng Seksyon sa Pagpapaunlad ng Kakayahan at Seksyon ng Pagsubaybay at Pagsusuri. Muli rin nilang inabisuhan ang mga Opisyal na Tagapagkilos ng Pamahalaang Lokal tungkol sa mga dokumentong kailangan nilang isumite.
Samantala, tinalakay naman ni Engr II Arjaylyn B. Sapon ang mga ulat at aktibidad na may kinalaman sa Locally-funded Project Program. Nagpaalala naman si ADA IV Millicent Kaye Velasquez ng Seksyon ng Pananalapi at Pang-Administratibo sa mga kawani hinggil sa pagsusumite ng lingguhang accomplishment report at ilan pang mga dokumento pang administratibo.
Nang matapos ang mga ulat sa bawat seksyon ay binigyan ng oras ang mga Opisyal na Tagapagkilos ng Pamahalaang Lokal na ilahad ang kanilang mga alalahanin at katanungan na siya namang sinagot ng mga Pinuno ng mga Kumpol ng Pangkat na sina LGOO VII Danilo C. Rillera at LGOO VII Ariel G. Espinosa. Nagbigay rin ng ilang paalala ang mga Pinuno upang mas mapagbuti pa ang pag ganap ng lalawigan ng Nueva Ecija.