Bilang paghahanda sa implementasyon ng Mandanas-Garcia Supreme Court (SC) ruling sa susunod na taon at bilang katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa pagkamit ng mas epektibong lokal na awtonomiya, isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Bataan ang "Provincial Orientation on the Preparation of Local Government Unit Devolution Transition Plans (LGU DTPs)" noong Setyembre 7-8, 2021 gamit ang Zoom.
Ang oryentasyon ay isa sa mga kampanya ng kagawaran sa pagbuo ng kakayahan ng mga lokal na pamahalaan at pagpapalawig pa ng kaalaman ukol sa Mandanas-Garcia Ruling. Batay sa pasyang ito, mas lalaki ang bahagi ng mga LGU sa national tax allocation simula 2022, na siyang magiging daan sa mas epektibong serbisyong lokal.
Kaugnay pa rito, ang paghahanda ng Devolution Transition Plan (DTP) ay kinakailangan upang masiguro ang sistematiko at magkakaugnay na mga aksyon ng mga ahensya at mga LGU tungo sa buong pagganap ng devolved functions na nakasaad sa Local Government Code ng 1991.
Dinaluhan ito ng mga pinuno ng departamento ng lalawigan, lungsod at bayan at ilang mga punong bayan sa lalawigan ng Bataan. Inanyayahan din ng DILG Bataan sina Financial Analyst Genevieve Flores-Gapac mula sa DOF-Bureau of Local Government Finance (BLGF) para talakayin ang Local Revenue Forecast and Resource Mobilization at sina LGOO V Paolo Franco at DMO IV Jairo Singian mula sa LG-CDD ng DILG Rehiyon III bilang tagapagmasid sa gawain at sumagot sa mga katanungan ng mga LGUs
Iniulat din sa aktibidad ang mga DTPs ng mga inimbitahang mga nasyonal na ahensiya na sina RD Marites Maristela (DSWD R3), PSTD Catalina De Leon-Cruz (DOST Bataan), Eugina Peralta, (DENR Bataan), Catherine Cornejo (TESDA Bataan) at Engr. Patrick Vincent Zabala ng DPWH District II.
Ang ilang DILG Bataan personnel, sa panguguna ni PD Myra Moral-Soriano ay nagsilbing mga resource speakers kabilang sina LGOO VII Cluster Head Melissa Nipal, LGOO VI Bernardino Santiago, Program Manager Allan Don Malonzo, CDS Chief Johnny Mandocdoc, LGOO II Laverne Gonzales, Jr. at LGOO II Donna Joy Nacar. Sina LGOO III Danilyn Pena at ADAS II Russel Jasper Rabacio naman ang gumanap na host para sa oryentasyon.
Nagsanay ang mga LGUs sa papamagitan ng pagsagot ng mga DTP Annexes at nag-ulat sa mga workshop. Sa pagtatapos, ang bawat LGU ay inatasan na magsagawa at magpasa ng kanilang mga Action Plans para mabigyan ng patnubay sa kanilang mga susunod na hakbang sa pagtapos ng kanilang mga DTPs.